Biyaya ng
Kalangitan sa Malawak na Bakuran ng Buhay
Sa
pagdaan ng panahon, marami ang nagbinhi ng mabubuting pananim upang lumago at
matutong makibaka sa balintunang mundo. Patuloy ang pagsibol ng bagong mga
halaman at patuloy din ang pagdating ng mga tagapagdilig at tagapag-alaga.
Sa
bagong kabanata, isa siya sa mga tulay na magtatawid sa ngayon at sa
pinapangarap na tagumpay. Masigasig sa paggawa at paggabay sa mga murang isip
na nangangailangan ng pag-aaruga. Matiyaga sa pagtuturo sa bawat araw. Tunay na maipagmamalaki sa mundo ng Siyensiya. Puno
ng katapatan sa pagtupad sa sinumpaang
tungkulin. __________________ ang tubig na magbibigay buhay sa mga bagong pananim.
Sa
patuloy na paglalakbay, mayroong isa pang maaasahan. Ang taglay niyang talino
sa asignaturang Filipino ay susi sa paglago ng kaalaman. Ang
kanyang masayahing aura ang inspirasyon ng mga nilalang na uhaw sa karunungan. Makabago ang taglay na
paraan sa pagtuturo kaya naman ang mga bata, mahal siyang totoo. Siya si ______________________ Ang pagdating
niya’y tulad ng pagdalaw ng ulan matapos
ang mahabang tagtuyot.
Sa
pagtahak sa bagong landas, may dumating. Ang
mundo’y parang naging bagong likha! Katalinuhan ang kanyang sandata.
Pag-asa ang tangan niya sa kanyang
kamay. Liwanag ang dulot niya sa mga
pahat na isipan. Waring
batis na patuloy na dumadaloy upang mapabuti ang paglaki ng mga halaman. Waring
hamog sa umaga matapos ang madilim na
gabi. Waring ambon na dumadampi sa pisngi. Patuloy sa paglaki ang mga halaman
sa tulong ni __________________ Sa ngayon, masigla na ang paligid.
Nakakalipad
na ang mga paruparo. Umusbong na ang mga
bulaklak na nadiligan dahil sa inyong pagkalinga. Sa tulong ninyo, may
kinabukasang puno ng pag-asa. Gng. Cariaga, Bb. Fontanilla at Gng. Agustin,salamat
sa inyo. Kayo ang mga Biyaya ng Kalangitan sa Malawak na Bakuran
ng Buhay, sa luntiang halamanan ng Pambansang
Mataas na Paaralan ng Solsona.
No comments:
Post a Comment